Thursday, February 9, 2012

Florante at Laura

Ang pag-iibigan ng dlawang wagas na nagmamahalan

"No Retreat, No Surrender

Sa isang paligsahan sa paglangoy,maraming manlalangoy ang nakikilahok, umaasang sila ang mag-uuwi ng tropeo. Sa hubog ng katawan ng mga swimmer, kapansin-pansin na sila'y naghanda sa paligsahan na ito. Paghudyat ng referee, bawat manlalaro ay mabilis na nag-uumpisa sa kanilang paglangoy,at kapansin-pansin na ang bawat isa'y buong siglang pinamamalas ang kanilang kahusayan. Subalit paglipas ng ilang minuto,isangswimmer ang huminto sa kanyang paglangoy dahil siya ay pinulikat at nahirapan nang lumangoy.
Marami  ang sumali sa nasabing paligsahan, subalit iilan lamang ang nakatapos. Isang manlalangoy ang pinakahuling nakatapos; bagamat hirap na hirap, pinilitpa rin niyang makaabot sa takdang hangganan. At habang siya ay nagpapahinga, isang reporter ang lumapitsa kanya at siya ay kinapanayam, "anong nangyari, bakit ikaw ang pinakahuli?" Sumagot siya at sinabi" pinulikat ako at halos di ko na kaya, subalit naisip ko na dapat kong tapusin ang aking paglangoy sapagkat maraming tao ang naniniwalasa akinna matatapos ko ito, kaya pinilit ko; kahit ako ay huli, ang mahalaga ay natapos ko."
Ang buhayng tao ay parang isports, punung-puno ng pakikipagtunggali, pakikibaka at adventure. At sa larangan ng isports, kinakailangan ngpaghahanda,disiplina, determinasyon, at mahabang panahon ng pagsasanay.
Anumang paligsahan ng buhay tayo kasali,dapat nating maunawaan na saisang pakikibaka,may nananalo, may natatalo at mayroon ding sumusuko na nakatanggap ng gantimpala. Samantala, masaya naman ang nananalo.
Ngunit hindi tumitigil ang paligsahan sa isang aspeto lang ng buhay, kahit ito'ynapagtagumpayan. Araw-araw ay patuloy ang ating pakikibaka at mahalagang maintindahan natin kahit gaano kahirap ang takbuhin, kailangang magpatuloy upang makamit ang gantimpala sa makakatapos nito.